My Kind Of Art

 eto ung unang una na hindi ko akalaing magagawa ko xD .. it was October when my friend wina came to our house to ask if i know how to make "recycle costume" and she showed some drawing sketch ... suddenly i was like "shit di ko kaya to" unang tingin ko palang grabe parang napakaimposible naman magawa ko ung nasa drawing ... the person who draw this was very idealistic and imaginative to draw that kind of costume... kung mga tela tela lang at mga kolorete na nabibili sa palengke madali lang magawa un ih.. "kaso hindi ganun eeeeehhhhh!!... "recycle costume!!!!! hello???? never pa ko nakatry gumawa ng costume at galing pa sa recycle... .. anu to pitpitan ng utak?? ..." me being sacrastic wuhahaha!!

eh kaso biglang sinabe ni wina "bes!! tatanggihan mo ba tong "two thousand pesos" na offer pag nabuo mo to??? isipin mo 1month preparation pa to napakahaba ng oras at araw mo para mabuo mo mismo itong nasa drawing" with free meryenda every hour oh di kna luge go kana!! .... ayun so sabe ko sige iwan mo saken yang sketch ...pag iisipan ko ....  

ilang gabi akong laging nkatitig sa sketch at iniisip lahat lahat ng negative thoughts like " baka pag nabuo ko hindi ko naman magaya ung nasa drawing baka hindi maging kamuka.... baka pag nabuo ko tapos nairampa na sa entablado baka masira o kaya magkalas kalas ... baka hindi kumasya sa magsusuot baka malaglag o masikip... baka madissapoint ung magulang ng estudyanteng mag susuot kase hindi naman nakuha ung itsura na mismong nasa drawing... " ..... tapos sa positve thoughts naman "... kelangan ko tanggapin un.. 2k ung ibabayad ..makakabayad na ko sa utang ko... subukan ko kaya baka naman magawa ko... " ..... 

so ayun na nga after 1week.. pinuntahan ko kaibigan kong si wina dala dala ung sketch ... sabe ko " ... bes ! payag na ko .. ako na gagawa... " so kinahapunan ... dinala na nya ko sa bahay ng mismong magpapagawa ... nalaman ko na yung sketch na hawak ko eh drawing pala ng mismong estudyante na magsusuot ng costume na gagawin ko para ilaban sa school pageant nila..... "pressure pressure presssureeeee" yan nrramdaman ko habang kinakausap ako ng magulang... ipapahanda na daw bukas lahat lahat ng kakailanganin na materyales sa pag gagawa ng costume .... 

hanggang sa ayun na nga nagsimula na ako... "pO-/%-#8"-3-TA... 1week na lumilipas wala p ko nasisimulan bwahahahahahahahahahaha!!!! ... hindi ko alam kung paano ko gagawin nbablanko tlga utak ko halos naiiyak iyak na nga ko nun hahahahaha!!!! 

(nagpabili ako ng mga lumang newspaper sa junskshop un ung naisip kong gawing palda.. dahil may mga napanood din ako sa youtube na gumagawa ng gnyan dun ako kumuha ng idea....gumamit ako ng lumang palda para pagkapitan ng dyaryo.. tamsi ang ginamit kong panahi para matibay ..nilagyan ko din ng alambre sa ilalim para hindi lumaylay at para magbounce ang dyaryo habang naglalakad.. ..takenote! nagkanda tusok tusok mga daliri ko jan dahil sa sobrang tigas ng dyaryo habang tinatahi ko sa palda.. ang laki paman din ng karayom haahaha)


 (naisip ko para tumigas ung papel... pinahiran ko muna ng barnis ... mga tatlong araw paulit ulit na patong kada natutuyo pahid ulit ng barnis .. matapos ang tatlong araw pininturahan ko na sya ng green pero ung dulo lang papel.. hindi ko nilahat para hindi masyado bumigat...)


 (ung mga artificial na dahon na nkadisplay sa bahay nila un ang naisip ko .. kaso bumili nalang sila ng bago wag daw ung nakadisplay hahaha... tapos mga shell ng tahong... binabab ng isang araw ung shell ng tahong sa sabon para walang amoy malansa hihihi ... isang lumang sando ang pinagkabitan ko ng mga dahon at shell..)

(tapos .. nagpabili ako ng tela mga isang yerda lang naman.. at ung kinabit ko sa gilid ng sando para maging parang palikpik o pakpak ah basta un na un!! hahaha nilagyan ko din ng shells at glitters para umangat ang at mapansin sa liwanag ...jan nagkapaso paso kamay ko dahil sa gluegun ..katangan eh hahaha)

(eto ung pakpak.. hindi ko na napicturan kung pano nasimulan eh.. basta nagpabili ako ng ilang yerdang alambre at hinulma kong pakpak.. yan mismo ung style ng pakpak na nasa drawing... sobrang sakit sa kamay ung mano mano mong babaliin bawat dulo ...at ung pinatong ko lumang kumot nila hahaha... para hindi masyado mabigat sa magdadala .. nung una tela nasa isip ko kaso mas napili kong kulambo na lang.. at ung palamuti .. poil at kung anu anu basta yan na un xD ...)

(ayan.. regards sa studyanteng rumampa .. sa kanyang ideya to eh.. .. takip lang naman ng electricfan hahaha pinaputol na lang namen sa mga mang gagawa ng bakal .. ayan artificial na dahol  ulet at shellss..)






since ung friend ko naman nagsuggest saken dahil alam naman daw nilang kakayanin ko talaga at my tiwala daw sila na kakayanin ko... lage syang sumasama saken at nanonod habang gumgawa ako .... tanging pag chicheer nalang ngagawa nya para saken dahil hindi nya ako matulungan sapagkat datapwat hindi sya ma arts .... walang hilig baga " hahahah (regards to my friends thank you for all the support wuhahahaha)

eto na ang kinalabasan..... kung anu ang nasa drawing un mismo ang nagawa ko ......... 



 (her is Jenina 4thyr high school sa Gurunasyon Bilibiran National High School ... sya po ang mismong nagdrawing at nag suggest ng gnyan design..sayang lang hindi ko napicturan ung naidrawing nya pero ganyan na ganyan tlga hahaha... gosh pag tinitignan ko to napapasabe na lang ako na "ako ba talga gumawa nyan"  ...)


pero nung dumating na ang oras nag pagrampa sa entablado .... ang tibok sa puso ko dinaig pa ang takbo ng segundo.... kase bumabalik ung mga negative thoughts ko.... "huhuhu ayan na sya ..wag sana makalas wag sana bumagsak...." paulit ulit sa utak ko... buong pageant show sinimulan at tinapos ko... 

  

"Binibini At Ginoong KALIKASAN 2014"

habang nanonood nasa unahan ako kasama ko ang make up artist at magulang ng studyanteng ginawan ko ng costume.... at dumating na ang pinakaaabang namen.. ang pag gawad ng trophy at korona... hindi ako makapaniwala... nag 1st runner up sya ... isang hakbang nalang grand title na... sobrang laking tuwa ko ng maabot nya ang pwestong un... nag wagi sya dahil sa costume na naipresent nya... hindi ako makapaniwala ..paos na paos na kame kakasigaw ... sobrang saya ko.. parang kadugtong ng pagkapanalo nya ay pagkapanalo ko sa sarili ko..mas lalong tumibay ang kumpiyansa ko sa sarili ko .. dun ko napatunayan na kaya ko nga tlaga basta magtiwala lang ako sa sarili ko...





takenote : isa lang po akong mahilig magdrawing at hindi po ako gumagawa ng khit anung costume, ni pumasok sa isip ko na maging designer hindi po... sobrang proud lang talaga ako sa kinalabasan ng aking nagawang costume ....alam mo ung feeling na ..."woaahhh unbelievable impossible !!! bwahahaha pinagmamalaki ko ang sarili ko (buhat bangko) bwahahahah!!