Wednesday, April 22, 2015

DARANAK FALLS INVADING

ung pagkagising ko knina may text si bebe alvin na "maghanda kayo daranak tayo 9am" ... watduh walang plano plano biglaang kaganapan hahaha!! (pasalamat sya maaga ako nagising kaya naging alert ako bwahaha) so 9am in the morning .. walang alinlangan kameng pumunta at nagmotor papuntang Daranak Falls

Alvin and James
they are loversssss
my friends from the "Tropang Tewangs"


Daranak falls came from the phrase “Dadanak ang dugo” its directly translated “the spilling of blood” It is located at Bgy. Tandang Kutyo in the town of Tanay.(google nyo na lang hehehe)
Daranak is also one of a favorite location shooting area of most local and international movies and advertising outfits in the country,  This 14-meter high falls is truly a refreshing place ..just so you know =) 



.. i consider may self as their "Private Photograper" hahaha
di ako makapagselfie dito feeling ko kase sobrang panget ko that day bwahahaha..
kaya mas pinili ko na lang maging masaya behind camera's flash hmmmp !
i had so much fun na makasama for my every day life activities tong dalawang to.. and sana forever na sila ^^

Thursday, April 2, 2015

ALAY LAKAD 2015 wid TRUEPANG TEWANGSSSss

5PM Palang nag antayan na kame sa Plaza ng Angono ... at lahat sila 1st time lang nilang mag aalay lakad ..samantalang ako pang 2nd time around ko na to... yung First ko nahimatay ako nun... o diba walang kadala dala bwahahaha!!! ... So mga 7pm nag start na kameng mag lakad .. di nako nakakaramdam ng pagod .. ganun pala pag nakaexperience na xD ...

(as usual ako nanaman ang photograper xD ... ok na din mejo hagard na din ako eh bwahahaha sila po ang tropa ko .. TRUEPANG TEWANGS =)

grabe nasa parteng angono palang kame nagrereklamo na sila bwahahaha!! Lima kameng magtotropa .. tatlong poging bakla at dalawa kameng babae ... seryoso to ha bakla po sila pero lalake ang porma mga pogi nga tlga haha... so pag dating ng taytay palengke .. mga SUSGiNOO nagderetsuhan sa Jolibee bWAhahahaha ... wala pa sa mismong istasyon ng alay lakad hindi na nila kaya ..akala ko nga di na kame makakaakyat haha... ayan Lafang LAfang Lafang ..... kahiya samen eh napagod kame bwahahaha... ! nakakahalata na ako na parang hindi na kame nagsasacrifice... puro kalokohan na hahah. last year seryoso tlga as in walang kain kain... wala na ako nagawa enjoy naman hihihi....


after sa jolibee ..naglakad na ulet kame papunta ng tikling ... pagkadating namen sa Tikling Susginoo patawarin ... nagderetsuhan naman sa Chowking .... "Hindi ko na kinakaya to! bwAhahahhahaha!! Hindi na tama ito.. hahaha ..Lord papa god patawarin nyo po kame" .. ayun so omorder ulet kame at lumafang nanaman ... nangako naman sila na mula pag akyat hanggang pagbaba hindi na kakaen.. edi go ..sige Lafang Lafang.. Lafang .... 


 (diba di nabago pwesto ko ! bwahahah eh kase nga ako nga taga picture! pero ok lang gusto ko din naman wahahaha!!)

after nun .. nagpalipas ng ilang minuto at nagsimula na kameng lumakad mula Unang istasyon pataas ng antipolo ... kwentuhan dito kwentuhan dun.. ganun lang naman tlga ngyayare pag mg totropa ang magkakasama .. iilan na lang ata ang mga mataimtim at tapat na nagsasacrifice... ung ibang kabataan kase sumama lang para makipag landian.. makasama mga jowa... pumorma.. maghunting ng chix.. at kung anuu anu pa.. except duon sa mga taong talgang dinadala pa nila ang mga anak nila na maliliit pasan pasan sa balikat habang nilalakad ang npakalayong landas patungong simbahan.. saludo ako sa mga tatay at nanay at ung ibang may mga edad na .na tlgang pinupursiging marating ang simbahan kahit mahirap..

then finally nakadating din kame sa simbahan...sa aming magtotropa tlgang ang goal lang namen experience na magkakasamang mag alay lakad at makaabot sa mismong simbahan at syempre nagdasal tlga kame .. although 2nd time around ko.. hndi ko nagawang makapasok sa loob ng simbahan nuon dhil puro babae kame hirap makipagsiksikan... pero this time ..tatlong lalake kasama namen kaya safe kame ni wina at nakapasok kame lahat ng simbahan... yan ang tunay na lalake kahit pusong babae haha hndi kame nasasaktan dahil nakaikot sila samen...

(ANTIPOLO CHURCH)
Last Station

(itsura ko dito .. haggard na nagmuka pa kong punggok lalo!! mga nakaakyat pala sila sa hakbangan tapos ako nasa baba tsk tsk very bad! haha )


bakas sa mga muka ng tao ang pagod at sakit sa paa at kalamnan ..ung iba nagdadala tlga ng panlatag para matutulugan nila.. at ung iba may baon na tanging biskwit at tubig lang maibsan lang ang kalamnan ng tyan.. kanya kanya na sila ng pwesto at higa sa labas ng simbahan .. tlgang masarap sa pakiramdam ang mga bagay na pinaghihirapan bago maabot.. siguro kanya kanya na sila ng mga dalangin at hiling .. at sama samang nahirapan kasama ang panginoon saga oras na iyon..


sa pagkakataong un bumili nlng kame sa mga naglalako ng panlatag .. sampung piso lang naman kaya dalawa binili namen at dun na nga humanap kame ng pwestong pwede nameng mahigaan... at lahat kame nakatulog din ..


ng magising kame nagkulitan at nagkwentuhan lang kame siguro tumagal din kame ng dalawang oras dun sa pwesto namen.. at ng pakiramdam namen full charge na kme naglakad na ulet kame pababa ng tikling at sumakay na pauwi.. mga past 5 na din ng madaling araw kame nakuwi sa mga bahay namen... sobrang nakakapagod peri sobrang saya ng experiece ko na to kumpara sa nakaraang alay lakad ko... makakatulog na ko ng mahimbing kahit putik putik pa ang mga paa ko wahahaha! pag gising ko na lng tsaka ako mag lilinis baka mapasma pa ko ... nag alay lakad ka din ba? ano experience mo? hehehe godbless and mornight ....